Barangay 5, Balingasag, Misamis Oriental
(Fieldwork)

Ariel C.Barros
Tagapagsaliksik

Gng.Janet E. Acierto
Instructor

Mga Nilalaman

TSAPTER I

Pangalan ng Tribu.
Paglalarawan sa Lugar,Tribu at Mapa ng lugar.

TSAPTER II

Kultura ng tribu.
Mga Paniniwala/Kaugalian hinggil sa panganganak .
Mga Paniniwala hinggil sa kamatayan at paglibing.
Datos tungkol sa pag-aalaga ng anak at pagdidisplina.
Datos tungkol sa batas at tradisyon na sinusunod.
Mga Pamahiin.
Mga Paniniwala tungkol sa pagtatanim .
Mga konsepto sa oras.
Mga “taboo”o bawal.
Mga paniniwala tungkol sa aswang at mahika.
Mga paniniwala sa espiritu,anito,langit at kabilang buhay.
Mga paniniwala sa mga natural na kalamidad tulad ng lindol,
bagyo,eklipse,baha,ipu-ipo at iba pa.
Ang wikang ginagamit ng grupo; puro ba?o may halo na?
Anu-ano ang mga hiram na salita na wika o salitang
ginagamit?

TSAPTER III

May mga kaugalian pa bang sinusunod ayon sa tradisyon?
Anu-ano ang mga pagbabagong dala ng modernisasyon o
teknolohiya? Nakakatulong ba ang pagbabagong
ito o makakasira sa tribu?
Anu-anong kaugalian ang dapat panatilihin?
Anu-anong kaugalian ang dapat baguhin?
Ano ang kinahihinatnan ng pagpasok sa modernisasyon sa
wikang sinasalita nila?

TSAPTER IV

Pang araw-araw na diari ng bawat membro.
Mga larawan ng tribu kasama ang resertsers.
Mga haylights ng pakikisalamuha sa kapwa.
Bibliograpi

TSAPTER I

Pangalan ng tribu

Barangay 5, Balingasag, Misamis Oriental

Paglalarawan sa lugar, tribu at Mapa ng lugar

Ang Barangay 5,Balingasag, Misamis Oriental ay maunlad na pook,malinis at may disiplina sa sarili ang bawat tao na tumira rito.Naging kaakit-akit ang paligid sa lugar na ito sapagkat malapit lang ito sa “Jose Pelaez Roa Park”,Palengke at iba pa.
Ang mga tao ay matulungin, mapagmahal, relihiyoso at iba pa.Dito matatagpuan ang Palawan Pawnshop, Rubies Bakeshop,Cebuana Lhuiller at iba pang establistemento.
Naninirahan sa lugar na ito ang mga mayayaman na tao gaya nina; Mayor Alexis S. Quina at Bise-Mayor Marietta R. Abogado.
Naipamalas ng Barangay 5 ang kaugaliang pangkalinisan, disiplina sa sarili at
pagkamagalang.

Mapa ng Barangay

TSAPTER II

Kultura ng tribu

1.Paghahanda ng ibat-ibang pagkain tuwing may pista,kaarawan,kasal at iba pa.
2.Pananampalataya

Mga paniniwala/kaugalian hinggil sa panganganak

*Kapag tulis ang tiyan ng buntis, ito daw ay may lalaking sanggol. Pag bilugan, ito daw ay babae.
*Pag ang buntis ay kumain ng kambal na saging, kambal daw ang magiging anak.
*Bawal daw magpagupit ng buhok ang buntis para di maging kalbo ang bata.
*Pag buntis, huwag umupo ng nakabukaka para hindi mahirap ang panganganak.
* Ang mga buntis daw, pagkatapos manganak bawal maligo ng isang linggo kasi baka mabinat.
*Para lumakas ang gatas ng nanay, kumain ng mga pagkain tulad ng tinola, sabaw ng halaan at tahong.
* ang mga bata, dapat daw lagyan ng parang ointment na pang-alis kabag. tapos ang pusod dapat laging naka bigkis kahit nalaglag na yung extra umbilical cord.
*Para iwas usog daw, lagyan ng lipstick o papahiran ng laway ang bata.
* Pag may sinok ang bata, lagyan ng kapirasong sinulid sa may noo ng bata para mawala.
* Para sa mga buntis o bagong panganak, maglagay ng isang buong bawang sa may bintana para iwas malas at bati.
* Ayon sa mga matatanda, kapag ang isang sanggol ay pinaliguan ng unang tubig-ulan sa buwan ng Mayo, ito ay mas lalaking malusog.“Agua de Mayo”ang tawag sa unang ulan sa buwang ito.
*Bawal mamintas kapag buntis.
* Bawal din tumingin sa pangit pag buntis. Baka maging kamukha ng anak mo ang pinipintasan mo.
* Bawal magbiyahe or lumabas ng bahay ang bata kung hindi pa nabibinyagan
* Dapat daw isabit sa may bintana ang pinutol na pusod ng magkakapatid para sila ay maging malapit sa isa’t-isa.
* Sa binyag ng bata, ilahad ang sinuot na pambinyag kung saan makikita ng mga imbitado. Ang bata daw ay lalaking magiliw at magaling makisama.
* Pakainin ng pwet ng manok ang bata para mabilis makapagsalita.
* Gumamit ng libro para sa unang unan ng bata para lumaking matalino.
* Sa unang kaarawan ng bata, palaruin ang lahat ng kanyang laruan at kung ano ang kanyang lalaruin, yun ang magiging propresyon at kagustuhan niya sa buhay
* Sa unang kaarawan ng bata, ang unang gugupit ng kanyang buhok ay ang isang tao na gusto ng magulang na tularan ng bata kapag siya ay lumaki. Ang ginupit na buhok ay inilalagay din sa isang libro para lumaking matalino ang bata.
* Ang batang dumidede ng kanyang daliri sa paa ay nangangahulugan daw na gusto na niya ng kapatid.
*Kailangan daw gupitin ang pilik mata ng sanggol para humaba ito.
*Sabi ng matatanda dapat daw magsabi ng “Pwera Usog” pag binabati ang sanggol para maiwasan ang kabag at sakit ng tiyan.
1. Magdala lagi ng bawang
2. Sa bintana magsabit ng rosary, walis tingting, bawang at asin at wag daw makikipagtitigan sa strangers kasi may tendency daw na tiktik makuha ang bata sa titig lang 4-7th month above inom ng calamansi juice para maging maganda daw skin ni baby.
3. Bawal magpunta sa binyag kasi magiging magkaaaway daw baby mo at yung binibinyagan.
4. Wag kumain ng talong pag buntis, ilagay ang paa sa buhangin pag manas at Wag uminom ng cold water kasi lalaki puson after manganak.

1. Pagbubuntis

Kapag ang tiyan ng babae ay patulis ang hugis, ang kanyang magiging anak ay lalaki; kapag bilog, ang kanyang magiging anak ay babae.
Kailangang ibigay ang anumang gusto ng isang nagbubuntis, kung hindi siya ay makukunan.
Kung nais ng babae na maiwasan ang di magagandang pakiramdam sa panahon ng kanyang pagbubuntis, kailangan niyang hakbangan ang kanyang natutulog na asawa upang lumipat sa kanya ang mga ito.
Kapag ang nagbubuntis na babae ay kumain ng prutas na bagong pitas mula sa puno, ang mga natitirang prutas doon ay magiging maasim.
Kapag ang nagbubuntis na babae ay kuman ng kambal na saging, siya ang manganganak ng kambal. Upang maiwasan ito, kailangang paghiwalayin niya ang kambal na saging sa kanyang likuran.
Hindi dapat magpakuha ng larawan ang isang buntis na babae, dahil ito ay magiging sanhi ng pagkamatay ng kanyang anak sa araw ng kanyang panganganak.
Ang mga bisita na hindi pumapasok sa loob ng bahay at nananatili lamang sa sa may pintuan ay magiging sanhi ng paghihirap sa panganganak ng buntis.

2. Panganganak

Kapag malapit ng manganak ang isang babae, maglagay ng sinding kandila sa ilalim ng kanyang kama upang makita ang mga nagdadaang mga bruha.
Pagkatapos ipanganak ang sanggol, ang “umbilical cord” ay kailangan ipahid sa kanyang pisngi upang siya ay magkaroon ng “dimples”.
Kapag ang sanggol ay dumapa sa unang pagkakataon, maglagay ng lapis, papel, at libro sa ilalim ng kanyang tiyan upang siya ay lumaking matalino.

Mga paniniwala tungkol sa kamatayan at paglibing

Ang kamatayan ay ang katapusan ng buhay ng isang organismo o tao.Maraming ambag na dahilan ang kamatayan,kabialang ang mga aksidente,pagkakasakit,di-sapat na nutrisyon at iba pa.

1. Huwag daw iiwanang mag-isa ang labi. Dapat daw at least may isa na nagbabantay o kaya may isana hindi tulog.

2. Huwag patutuluin ang luha sa salamin ng kabaong. Kapag ito ay nangyari, ang patay na tao ay magkakaroon ng mahirap na paglalakbay sa kabilang daigdig.
3. Huwag magdadala ng anumang pagkain mula sa burol, mapa-candy o kape.
4. Pagmaglalagay ng Rosary sa kamay ng namatay, siguraduhin daw na ito ay pinatid. Kasi daw bakadaw magsunod sunod ang patay sa pamilya.
5. Tatakbuban ng anumang tela ang salamin ng bahay ng namatayan pag dito ito binurol para dawhindi magpakita ang namatay.
6. Kung sa bahay daw ibinurol ang patay bawal daw maglinis o magwalis. Dadamputin lang dawdapat ang mga dumi.
7. Sa iyong lamay, huwag ihatid ang mga nakikiramay sa pintuan ng simbahan o ng punenarya.
8. Sa oras ng libing, hindi daw pwedeng ang mga immediate family ang magtatangal ng mgabulaklak at ribbon sa kabaong. Dapat daw ay ibang tao.
9. Yun daw tinaggal na mga ribbon na may pangalan at aspili, itatapon daw yoon at hindi dadalhin.
10. Bawal magsuot ng matitingkad na kulay sa loob ng isang taon. Dapat daw ay itim, puti at earthcolors lang.
11. Laging dalhin ang kabaong palabas ng bahay, simbahan o punenarya una ang ulunan. Maiiwasan nito ang pagbabalik ng kaluluwa ng namatay.
12. Sa martsa ng libing, ang isang lalaki na may buntis na asawa ay hindi dapat magbuhat ngkabaong. Bago siya umuwi, siya ay dapat na magsindi ng sigarilyo mula sa apoy ng “gate” ngsementeryo upang mapaalis ang mga espiritu ng mga patay.
13. Kapag nagbungkal ng butas na libingan na mas malaki pa kesa sa kabaong, ito ay magiging sanhing pagsali ng isang malapit na kamag-anak sa libingan ng patay.
14. Matapos ang libing, huwag kang uuwi agad upang ang espiritu ng namatay ay hindi ka sundan sa iyong bahay.
15. Ang kabaong ay dapat na gawin sa tamang sukat ng namatay. Kung hindi, ang isang kasapi ng pamilya ng namatay ay mamamatay sa loob ng mabilis na panahon.

Datos tungkol sa pag-aalaga ng anak
Marami paring mga tao na inaalagaan ang kanilang mga anak sa pamamagitan ng pagpapalo nito.Hindi ito dapat gawin dahil nakakasama sa katawan ng kanilang mga anak. Kailangan ang gawin ay pagdidisplina ng mabuting mga salita o pagsesermon ng mga anak.Isang pangaral ng anak kung sila’y disiplinahin sa pamamagitan ng mga salita.
Ang mga bakas ay humihilom at nawawala samantala ang pagsesermon ay nakakaapekto ng kanilang mga anak sa espiritwal at emotional nito.Kaya naman kung gagawa sila ng mali,nariyan ang kanilang mabuting konsensya na nagpapaalala sa kanila.
Pag-aalaga ng Bata Alituntunin Para sa Mga Magulang

Alituntunin Para sa Mga Magulang Ang magdesisyong kumuha ng tagapag-alaga
sa inyong anak ay isa sa mga pinakamahalagang desisyon na magagawa ng isang magulang.
Ang Batas ng Mga Serbisyo Para sa Bata at Pamilya ay nagsasabing ang mga batang mula sa edad na 10 taon pababa ay hindi maaaring iwan na nag-iisa. Para sa mga batang ang edad ay 10 taon pababa, ang mga magulang ay may legal na responsibilidad na siguruhin ang kaligtasan ng mga anak. Ang mga maliliit na anak at mga sanggol ay nararap at lamang na bantayan sa lahat ng oras.
Maging ang mga bata ang may edadna 8 at 9 taon ay hindi nararapat na iwan ng matagalan. Nararapat lamang na ang mga magulang ay laging handa para sa kaligtasan ng kanilang mga anak at iniisip ang kakayahan ng kanilang anak sa lahat ng mgasitwasyon kung ang mga ito ay nag-iisa.Maging ang paglampas nila sa edad na 10 taon, ang mga magulang ay legal na inaasahangmagsasagawa ng mga karapat-dapat na bagay at para sa patnubay ng mga anak hanggang tumuntong ng edad na 16 taon.
Ang mga alituntuning ito ay isinasagawa upang makatulong sa mga magulang sa pagsasagawa ng mga mahalagang desisyon tungkol sa kaligtasan at pagiging mabuting nilalang ng mga bata. Kinakailangang tandaan ng mga magulang na ang edad ay hindi pumaparehas sa lebel ng pag-iisip at responsibilidad ng bata.
Ang ibang mga bata sa gulang na10 taon ay maaari nang alagaan ang sarili ng ilang oras.Ang iba naman sa katulad na edad ay walang kakayahang alagaan ang sarili. Kinakailangang magdesisyon ang mga magulang kung kailan handa na ang bata
na mapag-isa at kung gaano katagal.Kung madedesisyunan ang isang magulang na kumuha ng tagakonsiderasyon ay kinakailangang ibigay sa isang responsableng tao na makakagawa nito.Kadalasan, iniisip ng mga magulang ang mga nakakatandang mga anak bilang tagapag-alaga sa mga nakakabatang mga kapatid nito, maliban dito may mga katanungan din sila na kung sinoang tunay na karapat-dapat napiliing tagapag-alaga para sa kanilang anak.
Mahalagang tandaan na ang bawa’t bata ay magkaiba. Katulad din ng ang batas ay hindi maaaring diktahan kung kailan magiging ligtas na mag-isa ang mga bata sa edad na 10 taon pataas, walang batas ang makakapagsabi ng tamang edad ng bata kung kailan ito maaaring mag-alaga.
Responsibilidad ninyo na pumili ng isang tagapag-alaga na makakapagbigay ng mgapangangailangan ng anak kung kayo ay aalis.
Ang mga magulang ay kinakailangang gumamit ng sariling paghuhusga upang malaman kung ang nakakatandang anak ay maaari nang magbantay at mag-alaga ng nakakabatang mga kapatid nito. Kayo ay nagmamalasakit sa inyong anak sa lahat ng oras at kayo din ang nararapat na magdesisyon kung sino ang karapat-dapat na kumalinga at magbigay ng mga pangangailangan ng mga ito. Sa pagpili ng tagapag-alaga ng bata, maraming mga bagay na dapat ikonsidera.
Ang taong may tamang pag-iisip, abilidad, mapapagkatiwalaan, ang nakaraan nito at kakayahang maglutas ng mga problema ay ang mga bagay na dapat ikonsidera.
Datos tungkol sa batas at tradisyon na sinusunod
Ang batas, sa pulitika at hurisprudensya ay ang mga kumpol ng alituntunin ng sa pag-aasal na nag-uutos o nagbabawal sa iosang natukoy na pakikipag-ugnayan sa pagitan ng mga tao at kapisanan,kasama din dito ang mga kaparusahan sa mga hindi sumusunod at sumusuway ng batas.
Ilan sa mga tradisyunal na batas noong unang panahon;
1.Bawal ang pagnanakaw.
2.Bawal ang pagpatay.
3.Bawal ang paninirang-puri.
Ang ordinansa ng barangay ay isang batas na kung saan kailangan sundin ito ng nasasakupan.Ilan sa mga ito ay;
1.Huwag magtapon ng basura sa hindi angkop na lugar.
2.Huwag magnakaw ng anumang bagay,at iba pa.
Ang sinumang lumabag sa kanilang ordinansa ay may hatol na pagkabilanggo at multa, depende sa kasalanan na kanilang nalabag.

Mga Pamahiin
Pagtulog at Pananaginip
Iwasan ang pag-ulit ng iyong panaginip sa pamamagitan ng pagbaligtad ng iyong unan, laging matulog na nakaharap sa silangan, kundi ikaw ay hindi magkakaroon ng magandang kinabukasan,kung tinutulugan ng isang tao ang kanyang mga libro, siya ay magiging palatandain at pagkatapos mag-aral sa gabi, ilagay ang librong iyong pinag-aaralan sa ilalim ng iyong unan, at mananatili ang iyong pinag-aralan sa iyong isip.
Kapag Gabi Na
• Umiyak ka sa gabi upang ikaw masaya sa kinabukasan.
• Huwag kang magsuklay ng iyong buhok sa gabi dahil baka ikaw ay maging kalbo, ulila, balo. Subalit kung kailangang suklayin mo ang iyong buhok sa gabi, kagatin mo muna ang dulo ng suklay.
• Kapag namamasyal kasama ang iyong mga kaibigan, lalu na sa gabi, dapat ay lagi kayong magkasama bilang isang grupo na pantay ang bilang. Kung hindi pantay ang inyong bilang, ang isa sa inyo ay kukunin ng mga espritu upang gawing pantay ang bilang.
• Ang mga nalabhang damit ay dapat kuhanin mula sa sampayan sa gabi, upang ang mga ito ay hindi kunin at isuot ng mga dwende.
Sa Ilang Mga Araw
• Anuman ang iyong ginagawa o nararamdaman sa Araw ng Bagong Taon ay magpapatuloy sa loob ng buong taon.
• Mas mabuti na makakita ng pera sa Araw ng Bagong Taon sa halip na gastusin ito.
• Ang pagtalon sa umaga ng Pasko ng Pagkabuhay ay magpapabilis ng paglaki at magpapatangkad sa isang tao.
• Kapag tumunog ang kampana sa Lingo ng Pagkabuhay, sumigaw ng napakalakas at ikaw ay magkakaroon ng mahabang buhay.
Mga Dapat at Di Dapat Gawin
. Huwag kang magsusugal kapag ikaw ay bagong gupit, kung hindi ikaw ay siguradong matatalo.
• Huwag mamimigay ng mga sapatos na walang bayad. Sa halip, itapon ang mga sapatos paitaas sa hangin at kung sino man ang makadampot ng mga ito ay siya ang magmay-ari, o di kaya ay bayaran niya ang mga sapatos ng singko sentimos.
• Huwag upuan ang mga libro, kung hindi ikaw ay magiging bobo.
• Bago magtapon ng mainit na tubig sa lupa, magbigay muna ng hudyat sa mga dwende. Kapag sila ay nasalanta, sila ay maaaring maghiganti sa pamamagitan ng pagbibigay sa iyo ng sakit.
• Bago tumapak sa isang bundok ng mga langgam, manghingi muna ng paumanhin. Kung hindi, ikaw ay papaglaruan ng isang espiritu.
• Maglagay ng luya sa iyong katawan kapag ikaw ay bumibisita sa mga lugar na hindi madalas puntahan ng ibang tao, upang ikaw ay hindi mapahamak sa mga kamay ng mga masasamang espiritu sa lugar na iyon.
• Kapag ikaw ay naglalakad sa gubat, magpahid ng bawang sa iyong mga paa upang ikaw ay hindi mapahamak sa mga hayop doon.
• Huwag sirain o putulin ang isang puno ng balete dahil ito ay bahay ng mga enkantada at iba pang mga esperitu ng mga engkanto
• Huwag sumipol o umawit sa gubat baka ikaw ay gayahin ng mga engkanto at maging dahilan ng iyong pagkakasakit.
• Kapag may bumahing habang ikaw ay paalis na ng iyong bahay, huwag mo nang ituloy ang iyong lakad dahil baka may sakunang mangyayari sa iyo.
• Upang maalis ang iyon takot habang ikaw ay nagsasalita sa harap ng publiko, maglagay ng isang sentimo sa loob ng iyong sapatos.
• Huwag putulin ang iyong kuko sa gabi, o sa mga araw ng Martes, Miyerkules, at Biyernes.
• Kung ikaw ay maligaw, baligtarin mo ang iyong damit at makikita mo ang tamang daan.
• Upang huwag umulan, kumuha ng abo mula sa iyong kusina at isabog ito sa iyong bakuran.
• Huwag lumabas kapag araw ng Huwebes at Biyernes Santo, dahil ang mga masasamang engkantada ay nagsisipaglabasan sa mga araw na ito upang manakit ng mga tao.
Kailan Di Dapat Maligo
• Huwag maliligo sa araw ng Biyernes.
• Huwag maliligo sa hapon.
• Huwag maliligo sa gabi.
• Huwag maliligo sa unang Biyernes ng buwan.
• Huwag maliligo sa araw ng Biyernes Santo.
• Huwag maliligo sa Araw ng Bagong Taon.
• Huwag maliligo sa araw ng piyesta ni San Lazaro.
• Huwag maliligo sa ika-labing tatlong araw ng buwan
• Huwag maliligo kapag ikaw ay gutom.
• Huwag maliligo matapos kumain.
• Huwag maliligo bago magsugal.
• Huwag maliligo pagkatapos magsimba.
• Huwag maliligo sa kapag may bahag-hari.
• Huwag maliligo sa kabilugan ng buwan.

Mga Paniniwala tungkol sa pagtatanim
Ang pagtatanim ay maaaring tumutukoy sa mga sumusunod:
paghahalaman o paghahardin ,pagsasaka (agrikultura),piguratibong pananalita para sa pagsisimula ng isang gawain at iba pa.
Ang sabayang pagtatanim ay nakakatulong upang maiwasan ang pagdami ng mga peste na maaaring dumapo sa inyong mga pananim samantala ang pagpapahinga ng lupa ay nakakabuti ng mga tanim kung tamnan ito.
1.Mainam ang magtanim kung mabuti ang panahon.
2.Ayon sa matatanda,mabuting magtanim kung maulap ang kalangitan dahil nakakalusog sa pagtubo ng mga tanim.
3.Huwag madaldal kung isagawa ang pagtatanim, baka hindi malusog ang mga pananim na inyong itinatanim.
Mga konsepto ng oras
Para sa kanila ang oras ay mahalaga.Kung mayroon kang dapat gawin ngayon ,gawin mo na huwag mo nang ipagpalipas pa dahil hindi na babalik ang dating oras na iyong nasayang.
Huwag natin ipagpaliban ang mg gawin .”Time is gold”sabi ng taga Barangay 5,kaya bawat minuto ay mahalaga.Isa ito sa mga displina ng tao upang matuto silang magpahalaga ng oras.
“Time is gold!”
Kung magagawa na ngayon ay h’wag nang ipagpabukas pa, ‘yan ang pangaral ni Aida Baybayan-Bungue sa programang “Health & Travel @ Serbisyo Publiko” sa pangalawang segment “Payo at Aral, Mula sa Amin Para sa Inyo”.
Isang napakagandang gawain ang pagbibigay ng halaga sa bawat minuto at oras na lumilipas sa buhay natin. Sinasabi ng mga nakatatanda na ang nagdaang sandali sa buhay ng bawat isa ay di – na kailan man maibabalik pa. Wika nga nila, “Opportunity knocks only once,” at kapag nangyari iyon grab mo kaagad ito, dahil hinding – hindi na mauulit pa.
Kapag isasakaysay mo ang mga pangyayari tungkol sa buhay natin, kailan man di – na tayo babalik pa sa muling pagkabata. Lahat ng nagdaan sa buhay natin mula sa pagkabata na di – mo man lang pinahahalagahan ay di – na mababalik pang muli, upang ito ay ulitin at baguhin.
Halimbawa nito ay ang edukasyon na pilit na ibinibigay sa iyo ng iyong magulang upang ikaw ay umunlad sa buhay. Napakaraming nangyayari, sapagkat hindi nila pinahalagahan at pinansin ang pag-aaral noong sila ay bata pa at, nagresulta ito sa di – nila pagkakatapos ng kanilang pag-aaral kaya sila ay walang narating at naging mahirap ang kanilang buhay.
Wika nga nila “Nasa huli ang pagsisisi, subalit kahit ano pa man ang gawin nila hindi na nila maibabalik pa ang mga oras na hindi pinahalagahan at nasayang lamang.
Nagmamadali ang bawat minuto sa buhay ng bawat tao. Kailangan ng masusing pagmamatyag at pagpapaunlad sa buhay ng bawat isa, pahalagahan at pagsikapang matamo ang lahat ng nais matupad sa buhay na ito, ng may pagpapahalaga sa bawat minutong lumilipas sa ikauunlad ng iyong buhay.
Mahalaga ang oras sa ating lahat na mga nabubuhay dahil ito ay dumadaan lamang at hindi ito hihinto upang antayin tayo. Kung mayroon kang kailangang gawain dapat gawin mo na iyon at huwag ng ipagpaliban pa para bukas dahil hindi mo alam kung ano ang nagaantay sa iyo. Importanteng pahalagahan ang oras bawat araw upang walang masayang dahil ang sayang na oras ay katumbas ng sayang na opurtunidad!
Mga ‘taboo”o bawal
Ang magulang ay may maraming pinagbabawal sa kani-kanilang mga anak.Ang mga Kabataan ay Nagtatanong . . .
Bakit ba Napakaraming Bawal?
“Inis na inis ako sa itinakdang oras ng pag-uwi! Sumasama ang loob ko kapag pinapayagan ang iba na umuwi nang mas gabi kaysa sa akin.”—Allen.
“Inis na inis ako kapag binabantayan ang mga tawag ko sa cellphone. Para naman akong bata!”—Elizabeth.
Pakiramdam mo ba ay nasasakal ka na sa mga pagbabawal sa loob ng inyong tahanan? Natukso ka na bang tumakas sa inyong bahay o magsinungaling sa iyong mga magulang tungkol sa mga ginagawa mo? Kung oo, ang nadarama mo ay baka katulad ng nadarama ng isang tin-edyer na nagsasabing napakahigpit ng kaniyang mga magulang at idinagdag pa: ‘Dapat hayaan naman nila akong makahinga nang kaunti!’
Malamang na nagtakda ang mga magulang mo ng mga bagay na puwede at hindi mo puwedeng gawin. Marahil kabilang dito ang mga dapat mong gawin tungkol sa iyong takdang-aralin, gawain sa bahay, at oras ng pag-uwi, pati na ang mga limitasyon sa paggamit mo ng telepono, TV, o computer. Baka kasali rin ang mga bagay sa labas ng inyong tahanan tulad ng iyong ikinikilos sa paaralan at pinipiling mga kaibigan.
Maraming kabataan ang madalas na lumalabag sa pagbabawal ng kanilang mga magulang. Halos dalawang katlo ng mga kabataang sinurbey ang nagsabing nadisiplina sila dahil lumabag sila sa mga pagbabawal, anupat ito ang pinakamalimit na dahilan ng kaparusahan.
Pero inaamin ng karamihan sa mga kabataan na kailangan din ng ilang alituntunin para maiwasan ang gulo. Pero kung talagang kailangan ang mga pagbabawal sa loob ng bahay, bakit nakayayamot ang ilan sa mga ito? At kung nasasakal ka sa pagbabawal ng iyong mga magulang, paano ka makahihinga?
“Hindi Na Ako Bata”!
“Paano ko ba ipaaalam sa mga magulang ko na hindi na ako bata at dapat na nila akong hayaang magpasiya sa sarili ko?” ang tanong ng tin-edyer na si Emily. Nadama mo na ba ito? Tulad ni Emily, baka naghihimagsik ang iyong kalooban dahil nadarama mong tinatrato kang parang walang-muwang na sanggol. Mangyari pa, malamang na iba ang pananaw ng iyong mga magulang. Malamang na iniisip nilang mahalaga ang mga pagbabawal upang proteksiyunan at ihanda ka sa mga pananagutan kapag malaki ka na.
Kahit na may kalayaan ka, baka isipin mo pa ring hindi na angkop sa edad mo ang mga pagbabawal sa loob ng inyong tahanan. Lalo nang nakayayamot ito kapag mukhang mas maluwag sila sa iba mong kapatid. Ganito ang sabi ng isang kabataang nagngangalang Marcy: “Ako po ay 17 anyos, at maagang pinauuwi. Hindi ako pinalalabas ng bahay kapag may nagawa akong mali, pero nang nasa edad ko ang aking kuya, wala siyang takdang oras ng pag-uwi at hindi siya ikinukulong sa bahay.” Sa paggunita sa mga taon ng kaniyang kabataan, ganito ang sabi ni Matthew tungkol sa kaniyang nakababatang kapatid at mga pinsang babae, “Nakakalusot sila kahit anong gawin nila!”
Walang Pagbabawal?
Mauunawaan naman kung inaasam-asam mong makaalis na sa poder ng iyong mga magulang. Pero mas makabubuti ba talaga sa iyo kung hindi ka na pagbabawalan? Marahil ay may kakilala kang mga kabataan na kaedad mo pero umuuwi kahit anong oras nila gusto, nagsusuot ng kahit anong damit na gusto nila, at sumasama sa mga kaibigan kahit saan at kahit kailan nila gusto. Baka masyadong abala ang mga magulang para mapansin ang ginagawa ng kanilang mga anak. Anuman ang kalagayan, ang ganitong paraan ng pagpapalaki sa mga anak ay napatunayan nang hindi matagumpay. Ang kawalan ng pag-ibig na nakikita mo ngayon sa daigdig ay dahil puno ito ng mga taong sarili lamang nila ang iniisip, na ang marami sa kanila ay pinalaki sa mga tahanang walang ipinagbabawal.
Baka magbago rin ang pananaw mo balang-araw tungkol sa tahanang walang pagbabawal. Pansinin ang isang pag-aaral tungkol sa mga kabataang babae na lumaki sa tahanang pailan-ilan lamang ang pagbabawal at halos walang patnubay ng magulang. Sa paglingon sa nakaraan, wala ni isa man sa kanila ang sang-ayon sa kawalan ng disiplina. Sa halip, itinuring nila iyon na katibayan ng kawalan ng malasakit o kakayahan ng kanilang mga magulang.
Pero sa ngayon, parang hindi mo na matiis ang mga pagbabawal. Kung gayon, pag-isipan mo ang ilang praktikal na hakbang na maaari mong gawin para maging mas kasiya-siya ang iyong buhay sa inyong tahanan.
Mabisang Pakikipag-usap
Gusto mo man ng higit na kalayaan o kaya’y mabawasan man lamang ang pagkayamot mo sa taglay mong kalayaan ngayon, ang susi ay ang mahusay na pakikipag-usap. ‘Pero nasubukan ko nang makipag-usap sa mga magulang ko, at wala namang nangyari!’ baka sabihin ng ilan. Kung ganiyan ang iyong nadarama, itanong mo sa iyong sarili, ‘Mapabubuti ko pa ba ang aking paraan ng pakikipag-usap?’ Mahalaga ang pakikipag-usap para (1) makuha mo ang iyong gusto o (2) mas maunawaan mo kung bakit hindi ibinibigay ang iyong gusto. Kung nais mong makuha ang mga pribilehiyong para sa mga adulto, makatuwiran lamang na matuto kang maging mas mahusay makipag-usap.
Pag-aralang kontrolin ang iyong damdamin. Sinasabi ng Bibliya: “Inilalabas ng hangal ang kaniyang buong espiritu, ngunit siyang marunong ay nagpapanatili nitong mahinahon hanggang sa huli.” Ang mabuting pakikipag-usap ay hindi lamang puro pagrereklamo. Baka lalo ka lamang masermunan dahil dito! Kaya iwasan mong magmaktol, magmukmok, at magdabog na parang bata. Gusto mo mang ibagsak ang pinto o magdabog kapag hinihigpitan ka ng iyong mga magulang, malamang na lalo ka lamang pagbawalan dahil sa gayong paggawi—sa halip na magkaroon ka ng higit na kalayaan.
Mga paniniwala sa aswang at mahika
Ang aswang ay kilala ng mga Pilipino bilang isang masamang espiritu na anyong tao sa umaga at nagiging isang halimaw na sumisipsip ng dugo pagdating ng gabi. Kilala ang mga aswang bilang mga nilalang na nagpapalit ng anyo. Kadalasan, sila ay nag-aanyong isang hayop.
Pinaniniwalaang ang madalas na binibiktima ng mga aswang ay ang mga bata at matatanda. Kinakain nito ang mga laman-loob ng kanyang mga biktima tulad ng puso at atay.
Naging tawag na sa iba’t ibang uri ng pinaniniwalaang mga halimaw ang aswang, kabilang dito ang manananggal, mangkukulam, pugot, nuno, tiyanak at iba pa.Pinaniniwalaan rin na nagmula ang mga kwento tungkol sa mga aswang sa mga probinsya ng Capiz, Iloilo at Antique. Kilala rin ang mga aswang sa tawag na tik-tik at wak-wak.

Ang aswang ay sinasabing nag-aanyong tao, madalas bilang isang magandang babae o isang matandang lalaki. Maaari rin itong magpalit ng anyo bilang isang baboy, aso, o halimaw tulad ng sigbin, balbal at wak-wak upang magmasid sa bibiktimahin bago ito tuluyang sumalakay.
Namumuhay ang aswang bilang isang ordinaryong tao sa umaga at madalas na kumukuha ng trabaho na may kinalaman sa laman tulad ng pagkatay ng baboy o manok. Inilalayo nila ang kanilang sarili sa mga tao at naninirahan sa mga liblib na pook.Sinasabing makikilala ang aswang dahil sa mapula nitong mata. Ayon sa matatanda, malalaman mo kung aswang ang iyong kausap kapag tumingin ka sa kanyang mata at baliktad ang iyong repleksyon.
Pamahiin
Ilang pamahiin ang pinaniniwalaan upang makaiwas sa mga aswang. Kabilang sa mnga ito ang paggamit ng bagakay o kawayan na pinatulis ang dulo. Ayon sa matatanda, takot rin ang mga aswang sa bala ng baril, bolo, balahibo ng ibon, at bawang. Pinaniniwalaan din na mamamatay ang aswang kapag nakakita ito ng krus.
Ang aswang ay karaniwang kumakatawan sa iba pang uri ng halimaw o masamang espiritu tulad ng mga sumusunod:
Wak-wak – Ito ay isang nilalang na anyong ibon. Lumalabas ito sa gabi upang maghanap ng biktima at madalas itong iniuugnay sa isang bampira.
Balbal – Ito ay isang uri ng mangkukulam na ang binibiktima ay mga buntis. Kapag gutom ang balbal, nagiging pula ang mga mata nito at ang tingin ay tumatagos sa sinapupunan ng buntis.
Kubot – Ito ay isang nilalang na parang paniki na may malalaking pakpak. Hinuhuli nito ang kanyang mga biktima sa pamamgitan ng kanyang matatalas na kuko.
Tik-tik – Isa itong malaking ibon na lumilipad sa gabi at naghahanap ng natutulog na tao. Kapag nakita na niya ito, pinapahaba nito ang kanyang nguso hanggang sa umabot sa biktima at kanyang iinumin ang dugo nito.
Mansusopsop – Isang masamang espiritu na nambibiktima ng mga buntis. Tulad ng tik-tik, lumiligid ito sa bubungan ng bahay at pinapahaba ang mala-sinulid niyang dila hanggang sa makaabot sa tiyan ng biktima. Sinusupsop nito ang lahat ng dugo, kasama ang sanggol, sa loob ng biktima hanggang sa ito ay tuluyang mamatay.
Sigbin – Isang nilalang na kawangis ng kangaroo na mayroong maluwang na bibig at malalaking pangil. Pumapatay ito ng tao sa pamamagitan ng kanyang bahin.
Hindi pa rin nawawala ang paniniwala sa mga aswang. Marami ang nagpapatunay na ang mga ito ay namumuhay pa rin sa makabagong panahon, lalo na sa mga liblib na lugar. Madalas ay iniuugnay sa aswang ang pagkawala ng mga bata, hindi inaasahang pagkamatay at iba pang mga insidente.
Mga paniniwala sa espiritu,anito,langit at kabilang buhay
Samantala sa paniniwala ng espiritu, anito, langit at kabilang buhay ng mga taga Barangay 5 ay masyadong hindi sila naniniwala dahil wala pang pruweba pero mayroon namang naniniwala sa ganito.
Sabi ng ibang tao na aking napagtanungan.Ang espiritu ay nasa loob ng ating katawan kung mamatay ang tao kaya pa ito mawala sa katawan ng tao at pupunta sa langit o kabilang buhay.
Mga paniniwala sa mga natural na kalamidad tulad ng lindol,bagyo,eklipse,baha,ipu-ipo at iba pa
Kadalasan sa ating mga tao ay may mga paniniwala tungkol sa natural na kalamidad.Ang mga ito galing sa ating mga ninuno na hanggang ngayon atin paring pinaniniwalaan.
Ang mga ito ay bunga ng ating imahinasyon dahil ang dahilan ng kalamidad ay ang pagbagu-bago ng klima sa daigdig.

Ilan sa mga dahilan ng kalamidad at pagkakasira ng kalikasan;

1. Pinababayaan nating maging makalat ang ating kapaligiran.
2. Gumagamit ng bomba ang ibang mangingisda upang makahuli ng isda.
3. Pinuputol naman ng iba ang mga puno at hindi pinapalitan kaya nakakalbo ang gubat at mga bundok.
4. Pinababayaan naman ng iba na tumutulo ang tubig sa gripo kaya nauubos ang tubig sa mga dam.
Ang wikang ginagamit ng grupo; puro ba? o may halo na?

Ang Barangay 5 ay gumagamit ng wika na may halong kastila , englis at iba pa.
Ginagamit parin nila ang hiram na wikang banyaga.

Anu-ano ang mga hiram na wika o salitang ginagamit?
Ang mga hiram na salita na hanggang ngayon nagagamit parin natin.

Basket – basket
Basketbol – basketball
Bilib – believe (impressed)
Breyk – break
Bolpen – ballpen
Dayari – diary
Dikri – decree
Drayber – driver
Dyip – jeep
Elementari – elementary
Eksport – export
Greyd – grade
Groseri – grocery
Hayskul – High School
Iskor – scoreIskrin – screen

Keyk – cake
Kostomer – customer
Kompyuter – computer
Lider – leader
Manedyer – manager
Masel – muscle
Misis – wife
Mister – husband
Nars – nurse
Peke – fake
Prinsipal – school principal
Pulis – police
Sori – sorry
Suspek – suspect
Taksi – taxi
Titser – teacher
Telebisyon – television
Trapik – traffic
Traysikel – tricycle
Treyning – training
• abesedaryo
• Abril
• abuso
• Agosto
• agwatyempo
• alkalde
• alkaldesa
• alpabeto
• Amerika
• anarkiya
• anarkya
• arkidiyosesis
• asul
• Asya
• atomo
• berde
• bira
• Biyernes
• cipres
• damahuwana
• datos
• depinisyon
• diksiyunaryo
• diksyonaryo
• diyosesis
• dosis
• ekonomiya
• elepante
• Enero
• eroplano
• eruplano
• Espanyol
• espesyalista
• Europa
• gusto
• hardin
• hidroheno
• hubelyo
• idroheno

. insenso
• Italyano
• kalambre
• Kastila
• konde
• kondesa
• kongreso
• Kongreso
• mansanas
• martir
• mesa
• monarka
• nota
• orbet
• oksiheno
• pasaporte
• Pilipino
• Pinlandes
• prangko
• pulgada
• roho
• silya
• orbets
• telepono
• terminal
• topasyo
• unibersidad
Barco – Barko
Antenna – Antena
Repollo – Repolyo
Silla – Silya
Pi̱a РPinya
Nitrogen – Naytrodyen
Phonology – Ponoloji
Produce – Prodyus
Chemistry – Kemistri
Train-tren
Manila Zoo –Manila Zoo
Visa –Visa
Xylem –Xylem
Zygote -Zygote
Xerox-Xerox
Sandwich – Sandwich
Zamboanga – Zamboanga
Francisco – Francisco
Roxas – Roxas
Villiviza – nilliviza
Manila Zoo – Manila Zoo